Calendar

Gov’t intervention para sa pagsusulong ng mental health programs para sa mga kabataan hiniling ni Villar
ITINUTULAK ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar na magkaroon ng government intervention sa sektor ng edukasyon upang maisulong ang programa para sa mental health at well being ng mga kabataang estudyante.
Pagbibigay diin ni Villar na layunin nito na masagkaan ang mga kaso ng mental health disorder ng mga kabataang estudyante na kadalasan ay nauuwi o humahantong bullying sa loob ng isang paaralan.
Paliwanag pa ni Villar na mahalagang matiyak ang mental wellness ng mga kabataang mag-aaral kasunod nito ang pagtitiyak din na sila ay nasa hustong estado ng kanilang lag-iisip na kadalasan ay nauuwi aniya sa diskriminasyon sa mga paaralan na lalo pang nagpapalala sa naturang sitwasyon.
“Mahalagang siguraduhin natin ang mental wellness ng ating mga mag-aaral. Kailangan natin siguraduhin na sila ay nasa hustong estado ng pag-iisip lalo pa’t alam naman natin na malaki ang impluwensiya ng peer pressure at discrimination sa.mga paaralan na kadalasan ay nagiging dahilan ng bullying,” paliwanag ni Villar.
Upang mapigilan o matugunan ang mga kaso ng bullying sa loob ng mga paaralan. Iminumungkahi pa ni Villar na kinakailangang kumuha o mag-hire ang mga paaralan pribado o pampubliko man ng mga karagdagang guidance counselors para magkaroon ng regular na counselling at consultations para sa mga estudyante.
To God be the Glory