BSP

Gross international reserves ng PH nasa $100.2B

223 Views

MAS tumaas pa ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa datos ng BSP, ang GIR noong Marso ay US$100.2 bilyon, tumaas mula sa US$98.2 bilyon noong Pebrero.

“The latest GIR level represents a more than adequate external liquidity buffer equivalent to 7.5 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” sabi ng BSP.

Ang naturang halaga ay anim na beses din umano ang laki sa short-term external debt ng bansa.

Ipinakikita umano ng lebel ng GIR na mas marami ang foreign currency deposit na pumasok kaysa sa lumabas. Nakatulong din umano sa pagtaas ang pagmahal ng ginto.