Calendar
Habang ang iba ay nangunguna sa Google, Twitter, BBM nangunguna sa survey
NAGPASALAMAT ang kampo ni presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nagtiwala kaya nangunguna pa rin ito sa survey.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson at chief of staff ni Marcos, ang resulta ng Pulse Asia survey ay isang patunay na si BBM pa rin ang nangungunang kandidato sa pagkapangulo taliwas sa sinasabi ng ilang maliliit na sektor.
Si Marcos ay nakakuha ng 60% voter’s preference sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong nakaraang buwan at inilabas ang resulta kahapon, Marso 14.
“We again thank the Filipino people for their unwavering trust in the leadership capabilities and competence of presidential frontrunner Bongbong Marcos to lead us through this most challenging period of our history,” sabi ni Rodriguez.
Habang ang iba ay nagsasabi umano na nananlo na sila sa Twitter at Google si Marcos ay nananalo sa laban kasama ang sambayanang Pilipino.
“While some of them may claim that they are winning in ‘Twitter’ and ‘Google’ searches, frontrunner Bongbong Marcos is winning the battle with the Filipino people,” dagdag pa ni Rodriguez.