HAGEDORN

Hagedorn inihayag na tuloy-tuloy infra project sa Puerto Princessa

Mar Rodriguez Jul 10, 2023
145 Views

HAGEDORNHAGEDORNHAGEDORNINIHAYAG ni Palawan 3rd Dist. Congressman Edward S. Hagedorn na tuloy-tuloy o ongoing ang mga inilunsad nitong infrastructure project sa lungsod ng Puerto Princessa at sa munisipyo ng Aborlan sa nasabing lalawigan na inaasahang malaking benepisyo ang maibibigay para sa mga mamamayan.

Sinabi ni Congressman Hagedorn na katuwang niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa implementasyon ng mga itinuturing nitong “priority projects” kabilang na dito ang pagkakaroon ng mga bagong kalsada at pasasa-ayos o pagkukumpuni sa mga sirang kalsada.

Dahil dito, binigyang diin ni Hagedorn na sa pamamagitan ng kaniyang mga infrastructure projects malaking benepisyo ang maibibigay ng mga ito para sa isang mas mahusay na sistema ng transportasyon kabilang na rin dito ang pagpapalakas sa ekonomiya at kabuhayan ng mga taga Palawan.

Ayon kay Hagedorn, napakahalaga na magkaroon ng maayos na daraanan o kalsada sa Palawan para mas maging mabilis ang sistema ng transportasyon sa kanilang lalawigan partikular na para sa mga negosyante na nagdadala ng kanilang produkto sa bayan katulad ng mga agricultural products.

Bukod dito, ipinabatid din ng kongresista na sa pamamagitan din ng mga nasabing infrastructure projects. Inaasahan na makakarating ng mabilis ang paghahatid ng serbisyo o delivery of services sa mga mamamayan ng Palawan katulad ng mga gamot, pagkain at iba pang mga pangangailangan.

“Katuwang natin ang DPWH sa implementasyon ng mga priority projects kagaya ng mga bagong kalsada, tulay at pagkukumpuni ng mga sirang kalsada. May mga bagong tulay at multi-purpose building ang ating ipinapatayo, magbibigay ang mga ito ng mas mahusay na sistema ng transportasyon,” paliwanag ni Hagedorn.