Frasco

Halal-Muslim friendly tourism pinapurihan ni Madrona

Mar Rodriguez Aug 6, 2024
49 Views

Frasco1Madrona2𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝘀𝘆𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮 “𝗛𝗮𝗹𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗠𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺-𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝗹𝘆 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺” 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Ayon kay Madrona, kahanga-hanga ang isinusulong na programa ni Pangulong Marcos, Jr. sa pamamagitan ng Tourism Department sapagkat hindi lamang nito pino-promote ang Philippine tourism kundi tinitiyak pa nito na ang turismo ng bansa ay isang Muslim friendly.

Sabi ni Madrona kasunod nito ang pagsusulong ng mga programa para mapangalagaan ang sensitibong kultura ng mga Muslim.

Ipinaliwanag ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco na masyado ng malawak at malalim ang Islamic influence sa Pilipinas dahil nakaugat na aniya ito sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

“Islamic influence in the Philippines is deeply rooted in our history and culture. Particularly in the Southern region of Mindanao. This region, which is rich in natural beauty and cultural diversity is a testament to the harmonious co-exiatence of various cultures and traditions,” ayon kay Secretary Frasco.