Air Ang mga opisyal ng Vietjet Air sa lagdaan ng Memorandum of Understanding (MOU) sa nakalipas na Vietnam-Philippines Business Forum sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Manila.

Vietnam low cost airline maglulunsad Ho Chi Minh-Cebu direct flight

Jon-jon Reyes Jun 4, 2026
36 Views
Air1
Ang mga opisyal ng Vietjet Air sa lagdaan ng Memorandum of Understanding (MOU) sa nakalipas na Vietnam-Philippines Business Forum sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Manila.

MAGLULUNSAD ang Vietnamese low-cost air carrier Vietjet Air ng direktang ruta mula sa Ho Chi Minh City papuntang Cebu simula sa Disyembre 11, ayon sa Vietnam-Philippines Business Forum noong Hunyo 1.

Sa kasalukuyan, ang Vietjet Air ay nagpapatakbo ng rutang Ho Chi Minh-Manila apat na beses isang linggo gamit ang eroplanong 188-seat capacity.

Limang round-trip flight bawat linggo ay inaasahang maidadagdag sa kasalukuyang flights ng eroplano ng carrier.

Samantala, nilagdaan ng Department of Tourism (DOT) at Vietnam Airlines (VNA) ang isang bagong dalawang taong kasunduan upang mapabilis ang mga programa sa promosyon ng turismo at palawakin ang air connectivity sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasabay ito ng ika-35 anibersaryo ng ruta ng VNA sa Ho Chi Minh City-Philippines at ika-15 anibersaryo ng ruta ng Hanoi-Philippines.

Naglalahad din ang kasunduan ng pagkakataon upang higit pang palakasin ang presensya ng turismo ng Pilipinas sa Vietnam, kung saan sinusuportahan ng VNA ang mga familiarization trip para sa media, travel agents, influencer at key opinion leaders upang maranasan at i-promote ang mga destinasyon sa Pilipinas.