Calendar

Halalan mapayapang naisagawa sa Calabarzon — P/BGen. Lucas
CAMP BGen Vicente Lim–Mapayapang naisagawa ang halalan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ayon kay P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director.
Ayon sa director, ilang isolated incidents ang naitala pero naresolba sa tulong ng mga pulis at katuwang na ahensya ng gobyerno.
Sa liquor ban enforcement, naaresto ang 21 violators sa walong operasyon.
Sa pagpapatupad ng Comelec gun ban, nakapagtala ng isang insidente kung saan nakumpiska sa isang indibidwal ang isang pekeng baril.
Nagpasalamat si Gen. Lucas sa mga pulis sa kanilang dedikasyon upang tiyakin ang ligtas at maayos na eleksyon.
Pinasalamatan din ng opisyal ang Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Education (DepEd), mga force multipliers at mga miyembro ng media sa ambag sa halalan.
Tuloy ng presensya ng mga tauhan ng PNP sa mga canvassing centers upang masiguro ang seguridad at kaayusan sa pagpapatuloy ng bilangan ng boto hanggang sa pagproklama ng mga nanalong kandidato.