Shabu

Halos P2M shabu nasamsam sa 6 na suspek

15 Views

ARESTADO ang anim na indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa pangangalakal ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust sa Rizal noong Marso 15, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe B. Maraggun.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng humigit kumulang na 308.28 gramo ng shabu na may standard price na P1,915,512.

Kabilang sa naaresto sina alyas Wendell, 18, at alyas Mark, 17, at nakumpiska sa kanila ang tinatayang 200 gramo at nagkakahalaga ng P1.36 milyon, isang kalibre .45 na baril at limang bala.

Nahuli rin ang mga suspek na sina Alyas Raz, 44, at Alyas Toto, 44, ng Taytay Municipal Drug Enforcement Team bandang alas-10:50 ng gabi at nakumpiska sa kanila ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.

Sa Brgy. Pantok Binangonan, Rizal natimbog si alyas Ron, 35, at nakunan ng 26.64 na gramo ng shabu na may halagang P181,152.

Si Alyas Angko, 41, tiklo sa 25 gramo ng shabu na value na P170,000.

Ang mga naarestong suspek nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga ebidensya dinala sa Forensic Unit para sa laboratory examination.