Sara

Hamon ni VP Sara sa graduates: ‘Serve, protect, and love country’

201 Views

HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga nagtapos sa Emilio Aguinaldo College na paglingkuran, proteksyunan, at mahalin ang bansa.

“As you move forward to reach the goals you have charted for yourselves, may you constantly be reminded that as citizens, you have a duty to our country — to serve, protect, and love our motherland,” sabi ni Duterte na dumalo sa 49th commencement exercise ng nabanggit na eskuwelahan ngayong Huwebes, Hulyo 7.

Pinuri ni Duterte ang mga estudyante na nakapagtapos umano dahil sa kanilang pagsisikap.

“You are the living proof of our country’s first attempt at producing graduates with 21st-century education — equipped with life, career, learning and innovation, and communication and information technology skills,” sabi ng VP.

Sinabi rin ni Duterte na bagamat nakaapekto ang COVID-19 pandemic sa sektor ng edukasyon ito ay walang laban sa pagpupunyagi ng gobyerno na labanan ang hamong dala nito.

“The pandemic was no match for the collective resolve of the Philippine government and all education stakeholders in our country, who ensured that Filipino learners continue to have access to education,” dagdag pa ni Duterte.

Ibinahagi rin ni Duterte ang kanyang karanasan noong estudyante pa ng De La Salle University sa Dasmariña. Ayon sa kanya, siya ay nahirapan dahil naninirahan na malayo sa kanyang pamilya.

“Life will never be easy. Pero when faced with a problem, you sit down and think about the options and the solutions. Never give up,” dagdag pa ng bise presidente.

Nagpahayag din ng pag-asa si Duterte na gagayahin ng mga nagtapos ang kabayanihang ipinakita ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo na kapangalan ng kanilang paaralan.