Calendar
Hamon sa Senado: Wag balewalain 301 boto para sa pag-amyenda sa Konstitusyon
UMAPELA si Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez sa mga senador na buksan ang kanilang isip at huwag isantabi ang boto ng mga kongresista pabor sa pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon upang dumami ang pamumuhunan sa bansa.
Ayon kay Suarez, 301 ang mga kongresista na bumoto pabor sa House Bill No. 7352 ang implementing bill ng Resolution of Both Houses no. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention na siyang maglalatag ng amyenda sa Konstitusyon.
“I am appealing to our honorable senators to consider how HB 7352 passed its third and final reading with a resounding 301 votes. This is an overwhelming vote from the members of the House of Representatives,” sabi ni Teves.
“As duly elected officials representing all districts from Mindanao, Luzon and Visayas, our counterparts in the Senate should study their position and acknowledge the need to revise the economic provisions of our Constitution. I urge our senators to review HB 7352, calendar it for plenary debates and vote on it instead of immediately saying that it is not a priority,” dagdag pa ng mambabatas.
Sinabi ni Suarez na hindi sapat ang mga panukalang naisabatas ng mga nagdaang Kongreso upang maakit ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa dahil sa limitasyong nakalagay sa Konstitusyon na siyang tutugunan sa panukalang pag-amyenda.
“We are all in agreement that most of our laws covering foreign investments are very restrictive and has kept our hands tied for decades. These restrictions prevent us from creating more jobs and getting investments from other countries,” sabi pa ng kongresista.
Dapat din umanong tignan ng mga senador ang benepisyong maibibigay ng pag-amyenda batay sa mga isinagawang pag-aaral.
“Pakinggan po sana ating mga senador ang boses ng nakararami sa mababang kapulungan ng Kongreso na nagnanais na makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya mula sa pagkakasadlak nito nang dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ang tamang panahon para ipakita ng mga mambabatas na sa lahat ng pagkakataon, kapakanan ng taumbayan ang pangunahin namin adhikain, hindi personal na ambisyon,” dagdag pa ng mambabatas.