Japanese

Hapones tiklo sa BI main office

Jun I Legaspi Aug 7, 2026
52 Views

Japanese1INARESTO ng mga agents ng Bureau of Immigration (BI) noong Hulyo 31 ang 38-anyos na Hapones may nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Law on the Prevention of Transfer of Criminal Proceeds sa Japan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Koizumi Haruki, na naaresto sa BI main office sa Intramuros, Maynila ng mga elemento ng Fugitive Search Unit (FSU) sa pakikipagtulungan sa Tourist Visa Section (TVS) at mga awtoridad ng Japan.

Nagsimula ang operasyon matapos iulat ni TVS Chief Raymond Remigio na na-intercept si Koizumi habang nag-aasikaso ng kanyang visa extension sa tanggapan ng BI.

Agad na kumilos ang mga operatiba ng FSU na pinamumunuan ni Chief Rendel Ryan Sy na nagsagawa ng beripikasyon sa rekord ng nasabing indibidwal bago isinagawa ang pag-aresto.

Nakalista rin bilang “undesirable foreign national” ang naaresto.

Ayon kay Commissioner, “muli na namang napatunayan ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng ating frontline personnel sa pagpapanatili ng seguridad ng bansa laban sa mga dayuhang pugante.

Ang pag-arestong ito ay patunay ng maayos na koordinasyon ng ating mga yunit at ng matatag na pakikipagtulungan sa mga dayuhang law enforcement agencies.”