Harvard Kuha ni TESS LARDIZABAL

Harvard education sa PH abot-kamay sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
124 Views

MAGIGING mas madali umanong makakakuha ng diploma mula sa Harvard University kapag nakapagtayo ito ng kampus sa Pilipinas na mapapahintulutan lamang kapag naamyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Ito ang sinabi nina Deputy Minority Leader Erwin Tulfo ng ACT-CIS Partylist, House Assistant Majority Leaders Mikaela Angela “Mika” Suansing ng Nueva Ecija, Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon ng Ako Bicol Partylist, at House Committee on Labor and Employment Fidel Nograles ng Rizal sa isang press conference nitong Martes.

“I agree. Kailangan siguro nating i-open up itong pagpasok ng mga educational institutions sa ating bansa,” ani Tulfo na nagsabi na kung papasok sa bansa ang Harvard ay kakailanganing mag-upgrade ng mga lokal na unibersidad upang makasabay.

“Of course, ‘pag meron hong pumasok na mga ganyan, syempre po itong mga schools natin, yung mga top schools natin, they will strive harder to compete doon sa educational system standards ng mga schools na ‘yan overseas,” sabi pa nito.

Nakikita naman ni Suansing, na mayroong master’s degree in Public Policy sa Harvard, ang kahalagahan na magkaroon ng mga foreign education institutions sa bansa.

“Halimbawa po pumasok yung Harvard, pumasok yung MIT, pumasok ‘yung NYU, in terms of training our faculty … pag tiningnan natin ‘yung value in terms of being able to train our faculty, being able to adopt the curriculum of these institutions for the Philippine context, ang laking bagay po nito,” sabi ni Suansing.

Pinawi naman ni Suansing ang pangamba na mabubura ang pagkakakilanlan at kultura ng mga Pilipino sa pagdami ng mga foreign education institutions.

“Once (their) curriculum are brought to the Philippines, it doesn’t dilute the way that we inculcate the Filipino culture, the Filipino identity, among the Filipino students. There are a lot of safeguards around that, once we allow these institutions to come in, hindi po natin dini-diminish ‘yung oversight functions ng DepEd nor the CHED,” sabi ni Suansing.

Ayon naman kay Nograles, na nagsanay ng abugasya sa Harvard law School noong 2016, na hindi kakailanganin pang bumiyahe sa Amerika para makapag-aral sa Harvard kung mayroon itong campus sa Pilipinas/

“On a lighter note, ang Harvard po ay nasa Cambridge, Massachusetts, wala po ito sa Cubao. Napakalayo, mahal po ng pamasahe dun, kaya kung may Harvard na ho dito, eh di dito na po tayo mag-aral. Kaya sang-ayon po ako sa access to education,” sabi ni Nograles.

Sumuporta naman ni Bongalan sa pahayag ng kanyang mga kasama.

“Why are we going to deprive our youth of this rare opportunity to access quality education na dadalhin po nitong mga famous universities abroad?” tanong ni Bongalon.

“Yung oportunidad po na makukuha natin instead of going out to the country and study abroad. No offense, but yung mga mayayaman lang po ang makakapag-afford niyan. But the dream is always to get quality education, get masters degree sa abroad,” pagpapatuloy nito.

“If we are going to welcome and allow these foreign institutions to be part of our education institution in our country, this will be a very big help for our students na somehow makapag-experience din sila at makapag-avail ng quality education na dadalhin po ng mga foreign universities,” dagdag pa niya.