Hidalgo Binisita ni PRO3 Regional Director PBGen. Jose S. Hidalgo Jr. ang Bulacan police provincial office at inatasan ang mga commander na laging panindigan ang batas at huwag na huwag gagawa ng anumang ilegal na aktibidad. Source: FB. post

Hidalgo tiniyak na walang cover-up sa kasong sangkot 3 parak

Steve A. Gosuico Aug 31, 2024
46 Views

CABANATUAN CITY--Tiniyak ni Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. na walang cover-up sa imbestigasyon sa kasong robbery na kinasasangkutan ng tatlong pulis Bulacan sa Balagtas, Bulacan noong Agosto 28.

“Hindi namin kailanman kukunsintihin ang anumang paglabag sa batas na ginagawa ng mga miyembro ng aming hanay,” sabi ng heneral.

Binisita ng hepe ng PRO-3 ang Bulacan police provincial office at inatasan ang mga commander na laging panindigan ang batas at huwag na huwag gagawa ng anumang ilegal na aktibidad.

“Rest assured na walang mangyayaring pagtatakip dito. Kung mapatunayang nagkasala, mananagot ang mga responsable at haharapin ang buong kahihinatnan ng kanilang mga aksyon,” dagdag niya.

Noong Agosto 28, isang insidente ng pagnanakaw na bumiktima kay Esmeraldo Magbitang Jr., pharmaceutical supplier ng Brgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan.

Napag-alamang tatlo sa pitong suspek na nanloob sa bahay biktima mga alagad ng batas na kalaunan nahuli sa follow-up operations isang araw matapos ang pagnanakaw.