Pio

Higanteng estatwa ni St. Padre Pio itatayo sa Cebu City

194 Views

ITATAYO sa Cebu City ang higanteng estatwa ng St. Padre Pio bilang bahagi ng santuwaryo na itatay para sa popular na santo.

Ang Santuario di Padre Pio project sa Pulangbato ay sisimulan sa pamamagitan ng konstruksyon ng 100 talampakang taas na estatwa ng Italyanong santo.

Isinagawa ang groundbreaking ng proyekto noong Sabado, Setyembre 17.

Ang pilgrimage site ay lalagyan ng mga relic ni Padre Pio. Magtatayo rin ng simbahan sa lugar at ang altar nito ay igagaya sa Church of Santa Maria delle Grazie ng San Giovanni Rotondo sa Italaya kung saan nanatili si Padre Pio mula 1916 hanggang 1968.