Calendar

Hiling ng mayor na ma-exempt 4 na proyekto inaprubahan ng Comelec
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Inaprubahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang hiling ni Mayor Arvin Salonga na ma-exempt ang apat na proyekto ng bayang ito na nagkakahalaga ng P19.3 milyon.
Sinasaklaw ng kahilingan ni Salonga ang exemption ng mga proyekto sa ilalim ng probisyon ng Seksyon 261 (v) ng Omnibus Election Code kaugnay ng Comelec Resolution No.11060 na sinususugan ng Comelec Resolution No. 11118.
Ang apat na programa ang paglilibing, ospital at medikal program para sa mga indigent na indibidwal in crisis situation na nagkakahalaga ng P2.1 milyon; feeding program para sa mga bata na nagkakahalaga ng P800,000; social pension para sa pamamahagi sa vulnerable sector na nagkakahalaga ng P12.2 milyon; at DSWD supplementary feeding program para sa pamamahagi sa vulnerable sector na nagkakahalaga ng P4.2 milyon.
Sa notice of approval mula kay Chairman Garcia, ayon kay Atty. Sittie Maimona Azisa G.L. Tawagon, Director IV, Comelec Law Department, sinabi ng opisyal na ang kahilingan para sa exemption “hindi dapat magsasangkot ng pamamahagi ng ayuda, TUPAD, AKAP, AICS at 4Ps mula Mayo 2 hanggang 12 maliban sa mga medikal at burial na tulong na karaniwang ibinibigay sa mga kwalipikadong indibidwal.
Ibinigay din nito na “ang mga elektibong opisyal at/o mga kandidato/aspirante hindi dapat dumalo sa panahon ng pamamahagi ng Ayuda, TUPAD, AKAP, AICS at 4Ps.
Tumatakbong walang kalaban sa bayang ito sina Dra. Angelita “Gege” Salonga-Esquivel at kanyang nakababatang kapatid na si Mayor Salonga, sa pagka-alkalde at bise-alkalde.