Calendar
Hiling ni Barbers: Implementasyon ng NCAP imbestigahan
DAHIL sa umano’y palpak na pagpapatupad ng “No Contact Apprehension Policy” (NCAP), nais ng isang Mindanao congressman na magkaroon ng isang masusi at malalim na imbestigasyon ang Kongreso bunsod ng sunod-sunodna reklamo ng mga motorista laban sa NCAP.
Dahil dito, iginiit ngayon ni Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace Barbers na kailangan ng imbestigahan ng Kongreso ang palpak at dispalinghadong implementasyon ng NCAP. Bunsod ng patong-patong nareklamo ng mga motorista laban dito.
Sinabi ni Barbers na kabilang sa mga nagrereklamong motorista ay angmga motorbike riders na ang hanap buhay ay “delivery service” nadirektang napeperwisyo ng palpak na NCAP implementation dahil sanapakalaking fee na binabayaran nila ng walang “due process”.
Ipinaliwanag ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na bagama’t ang layunin ng NCAP ay disiplinahin ang mga pasawayna motorista. Subalit kailangan aniyang malinawan ang publiko kaugnay sadetalye ng implementasyon ng NCAP.
Binigyang diin pa ni Barbers na dahil sa palpak na pagpapatupad ng NCAP, lalo lamang aniyang naging masalimuot ang sitwasyon sa mga lansangandahil sa mas maraming katanungan kaysa sa mga sagot hinggil sa tamangproseso ng pagpapatupad nito.
“The NCAP implementation its appears, gave rise to more questions than answers. It took a life of its own and became a problem by itself, an additional burden and could become a source of corruption institutionalized by the State,” sabi ni Barbers.
“This NCAP system is laudable since the intent is to discipline erring and abusive and wayward drivers. But the implementors, I was told are imposing excessive fines and could be violating the Constitution since there is no due process of the law,” dagdag pa ng kongresista.