BBM2

Hiling ni PBBM maayos na agri sector, buhay ng mga magsasaka

159 Views

HILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatuloy ang pagganda ng sektor ng agrikultura ng bansa upang gumanda rin ang buhay ng mga magsasakang Pilipino.

“(Sana) maging maayos na ang agrikultura at malaman na natin kung ano ba talaga ang weather – wet season ba? o dry season para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin,” ani Pangulong Marcos na nagdiriwang ng kanyang ika-66 kaarawan nitong Setyembre 13.

Binigyan-diin ng Pangulo, ang siya ring namumuno sa Department of Agriculture (DA), ang kahalagahan na mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka at dasal umano nito na maging masagana ang kanilang ani.

Nilagdaan na rin ni Pangulong Marcos ang isang Executive Order upang mapalawig ng dalawang taon ang moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga magsasaka.

“This provides for the moratorium on the payment of the principal obligation and interest on amortization payable by the agrarian reform beneficiary, to include even those who were not covered by the New Emancipation Law,” sabi ng Pangulo.

Ang moratorium ay magtatapos sana sa Setyembre 13.