BBM-Sara

Hinaing ng sugar industry players tutugunan ng BBM-Sara UniTeam

300 Views

NANGAKO sina presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., at vice presidential aspirant Sara Duterte na tutugunan ang mga problema ng lokal na industriya ng asukal.

Nakipag-usap sina Marcos at Duterte sa mga magsasaka ng tubo at iba pang stakeholder ng industriya ng asukal sa Negros Occidental, ang pinakamalaking sugar producer sa bansa.

Kabilang sa inirereklamo ng industriya ang patuloy na pag-angkat ng asukal kahit na mayroong sapat na produksyon sa bansa.

Nagpahayag naman ng pagsuporta kina Marcos at Duterte ang 25 sa 31 alkalde sa probinsya.

Sa isinagawang grand rally sa Bredco Port reclamation area, nangako si Duterte na tutugunan ang problema sa kawalan ng mapapasukang trabaho at oportunidad na kumita dulot ng pandemya.

“Ang UniTeam po ang kailangan ng ating bayan. Ano ba ang kailangan ng ating bayan? Unang-una, kailangan natin ibalik ang mga trabaho na nawala dahil sa pandemya. At paano ba tayo makakakuha ng magagandang trabaho? Kung mayroon tayong kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan. At ang pangatlo, ang gusto ng lahat ng tao, hindi lang ng mga Pilipino, mapayapang pamumuhay,” sabi ni Duterte.

Binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan na maipagpatuloy ang Build, Build, Build program at ang pagsugpo sa kriminalidad at iligal na droga.

Umapela rin si Duterte sa kanilang mga suporter na dingin ang panawagan ng UniTeam na magkaisa para sa kaunlaran ng bansa.

Nangako naman di Duterte na gagamitin ang tibay ng kanyang puso na gawin ang lahat para maging mapayapa ang pamumuhay ng mga Pilipino.