Pacquiao

“Hindi pa tapos ang laban” -Pacquiao

Mar Rodriguez Apr 25, 2025
15 Views

Pacquiao1HINDI pa tapos ang laban”.

Ito ang mensahe ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao matapos nitong suyurin ang Dasmariñas City, Cavite para suyuin ang suporta at boto ng libo-libong residente ng Lungsod para sa darating na May 2025 mid-term elections.

Ang mala-aksiyong pahayag ng dating senador ay sinabi nito upang ipakita at iparamdam umano nito sa mga mamamayan ng nasabing Lungsod ang pangunahin dahilan ng kaniyang pagbabalik sa Senado sakaling siya ay mabibigyan ng pagkakataon o papalarin.

Ayon kay Pacquiao, kaya ninanais nitong bumalik sa Mataas na Kapulungan ay para ipaglaban ang karapatan at kinabukasan ng bawat mamamayan partikular na ang mga mahihirap na Pilipino.

“Kaya po bumabalik sa Senado para maipagpatuloy kong maipaglaban ang karapatan at kinabukasan ng bawat Pilipino. Lalong lalo na ang mga nasa laylayan na dating kinalalagyan,” wika nito.

Sa kaniyang pagtungo sa Dasmariñas City. Nagsagawa ng motorcade ang tinaguriang “Boxing legend” kasama nito ang mga kapwa kandidato sa APBP na sina Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at ACT-CIS Party List Rep. Erwin T. Tulfo kung saan sila ay mainit na sinalubong ng napakaraming residente.

Ang ginanap na campaign sortie ng administration senatorial candidates sa Dasmariñas City ay naglalayong mas mapa-igting pa ang panunuyo sa iba’t-ibang Barangay ng naturang Lungsod na pinaniniwalaang hitik sa boto bunsod ng napakaraming naninirahan dito.

Ang Cavite ay mayroong tinatayang 2.3 million registeted voters kung saan inaasahan na magiging mahigpit ang laban sa lalawigang ito sa darating na botohan.

Ipinahayag pa ni Pacquiao ang kaniyang paninindigan na ang prioridad nito ay ang taongbayan lall na ang mga mahihirap na mamamayan.

“Bilog ang mundo sa politika. Pero ang prinsipyo ko ay diretso lagi, ang taongbayan muna,” sabi pa ni Pacquiao.