Vic Reyes

Hoarders, profiteers dapat hulihin

Vic Reyes Mar 18, 2026
144 Views

MASAGANG araw sa lahat ng ating mambabasa.

Ipanalangin natin ang mga kababayan natin sa Gitnang Silangan na apektado ng giyera. Nawa’y nasa ligtas sila g kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki , Patricia Coronel, Hiroki Hayashi, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, La Dy Pinky, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, , Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

***

Tama ang ginagawa ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa ismagling.

Lalo na ang ismagling ng mga ipinagbabawal na gamot na kagaya ng shabu, cocaine, marijuana at ecstasy.

Alam naman ng lahat na nagiging “violent” at “crazy”ang mga taong “high” sa mga drogang ito, na karamihan ay nanggagaling sa labas ng bansa.

Ang bulto ng illegal drugs sa Pilipinas ay imported mula nang mapasarhan ng mga otoridad ang mga lokal na drug laboratories.

Kaya sa parte naman ng BOC, tama lang na lahat ng unclaimed packages at shipments ay buksan at inspeksyunin in coordination with partner agencies.

Kasama ang mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board.

Sa totoo lang, maraming unclaimed at abandonadong shipments ang napatunayang naglalaman ng shabu at iba pang illegal drugs.

Kamakailan nga ay tumambad sa mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang shabung nagkakahalaga ng P26 milyon.

Hindi sinabi sa report kung saan nanggaling ang abandonadong shipment na naglalaman ng isang roller hotdog machine.

Ang droga, na may timbang na 3,962 gramo, ay nakalagay sa apat na heat-sealed plastic bags na itinago sa loob ng makina.

Isinagawa ng BOC-NAIA, na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa, ang operasyon in close coordination sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Kaagad na ibinigay ng BOC-NAIA ang droga sa PDEA “for safeguarding and further investigation.”

Pinapurihan ni Collector Mapa ang kanyang mga opisyal at tauhan dahil sa kanilang vigilance.

Ito ay nagpapakita lamang na todo supporta ang BOC-NAIA sa programa nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Kabilin-bilinan kasi ni Pangulong Marcos sa mga taga-BOC na dapat walang makapasok na iligal na droga, kagaya ng shabu, sa Pilipinas.

***

Kagaya ng ibang bansa, ang Pilipinas ngayon ay nahaharap sa malaking problema dahil sa nangyayaring gulo sa Gitnang Silangan.

Hindi lang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang tumataas.

Kahit hindi pa aprobado ng gobyerno ay nagtaas na ng pamasahe ang mga jeep at tricycle.

Nandiyan pa ang tumataas na presyo ng LPG, bigas, gulay, isda at iba pang essential commodities.

Dapat hulihin ng mga otoridad ang mga hoarders at profiteers para matigil na ang pang-aabuso ng mga tiwaling negosyante.

Ito ay katanggap-tanggap sa mga kawawa at naghihirap na taumbayan.

***

Kahit na may economic difficulties sa bansa, hindi dapat tumigil ang gobyerno sa pagpapanagot sa mga opisyal na umabuso sa kanilang mga tungkulin.

Hindi dahilan ang nangyayaring gulo sa Middle East para matigil ang impeachment proceedings sa Kongreso at imbestigasyon ng Ombudsman at Department of Justice sa nangyaring anomaly sa flood control projects.

Naghihintay ang taumbayan sa magiging resulta ng mga kasong ito.

Hindi puwedeng walang maparusahan sa pagkawala ng bilyon-bilyung pisong nawala sa kaban ng bayan dahil sa korapsyon at katiwalian.

Hindi ba, Pangulong Bongbong Marcos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon mag-text sa 09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com)