Calendar

Holdap pumalpak, 2 biktima pumalag, toy gun nakuha pa
NABIGO ang dalawang magnanakaw na makakuha ng anumang valuables sa target niila matapos makipagbuno at maagaw ang toy gun sa kanila ng 2 Koreano sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, naninigarilyo ang dalawang biktima na sina Park Youn Son, 35; at Kim Hyeong, 46, sa Kandi Tower 1 Hotel sa Brgy. Malabanias, Angeles City nang dumating ang mga suspek na nakamotorsiklo.
Lumapit ang isa sa mga suspek sa mga biktima at tinutukan ng baril si Park na nag-udyok kay Kim na protektahan ang kanyang kababayan na kalaunan ay humantong sa scuffle.
Habang nakikipambuno, tinamaan ng laruang baril sa kaliwang mata si Park ngunit naagaw ang baril mula sa suspek.
Tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo matapos ang bulilyasong misyon.