Hontiveros

Hontiveros isinulong pagpasa ng SOGIE Equality Bill sa Kongreso

263 Views

I’M ready to get back to work. We will use this 19th Congress to carve the runway to pass the SOGIE Equality Bill at long last. We will use this as a fresh opportunity to renew and prioritize our fight for ALL sexualities and genders. Oo, kasama tayong mga heterosexual cisgender sa laban ng mga LGBTQIA+ kapatid natin.” said ani Senator Risa Hontiveros na nagsabing panahon na para ipasa ng Kongreso ang SOGIE Equality Bill sa papasok na 19th Congress.

Ang SOGIE Equality Bill ayon kay Hontiveros ay syang susi upang bigyan ng karapatang ang bawat tao kahit anuman ang kanyang napiling kasarian, anuman ang edad, estado sa lipunan, paniniwala sa kanyang politikal at relihiyon ng walang diskriminasyon, paghuhusga at pang-aapi gamit ang mga nasabing isyu ng kapwa tao.

Ayon kay Hontiveros, napapanahon na upang iwaksi ang ganitong uri ng pag-iisip at diskriminasyon upang bigyan ng oportunidad sa ibat ibang karapatan ang sinuman tao na magbibigay proteksyon sa kanya at karapatan para magkaroon ng edukasyon, trabaho, lisensiya, oportunidad, kagalingan at serbisyong publiko base sa itinatadhana ng Konstitusyon

“As we face the difficulties of navigating the ruins of a post-pandemic world, this is our chance to build something good and lasting. Ito na ang pagkakataon natin gawin namang tama at patas ang mga institusyon natin. Mga kababayan, it is time we begin the process of healing the wound created by the gap in our laws that has allowed for bullying, ostracization, and violence to way too many Filipinos. It is time we forge a country that includes all, loves all.” ani Hontiveros.

Ang SOGIE EQUALITY ay dumanas na matinding protesta sa loob ng mga nagdaan Kongreso.

Ito ang nagtulak kay Hontiveros na susugan ito nuong nagdaang Disyembre 2020 kung saan ay muli niyang inilatag sa Kongreso ang posibilidad na gawin itong batas.

Ayon kay Hontiveros, hindi siya titigil hanggat marinig ng maraming niyang kasama sa Kongreso na hindi dapat ipag walang bahala ang mga LGBTQIA+ dahil sila man aniya ay kasama sa mga dapat bigyan ng proteksyon at respeto sa ilalim ng batas.

“Mga mahal, you are more than Pride Day or Pride Month. You have every right to exist as you are in the day-to-day. You deserve these grand celebrations, these spaces of resistance; but you also deserve the ordinary moments, sa pang araw-araw. The everyday chance to be yourselves when you wake up to your family, when you take your coffee, when you meet your friends, when you go to work, in joy and sadness, in sickness and in health. You deserve to feel at ease. You deserve to be safe.” Hontiveros said as she vowed to push for the rights and protection of the so-called Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual (LGBTQIA+) in the Philippines society.