Hataman

House komite inaprubahan pagpapaliban ng bgy, SK elections

Mar Rodriguez Aug 16, 2022
209 Views

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang House Bill No. 3384 na inihain ng isang Mindanao congressman na naglalayong ipagpaliban ang pagsasagawa ng 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Nauna rito, inihain ni Basilan Lone Dist. Rep. Mujiv Hataman ang HB 3384 para ipagpaliban ang nakatakdang barangay at SK elections sa darating na Disyembre. Sa halip ay ituloy na lamang ang halalan sa Disyembre 5 o ikalawang Lunes ng taong 2024.

Ikinatuwiran ni Hataman na masyado umanong magastos ang pagsasagawang nasabing halalan sa panahon na nasa iallim pan g “health crisis” angbansa dulot ng COVID-19 Pandemic.

Subalit alinsunod sa naging pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ipagpapaliban ang nabanggit na eleksiyon at sa halip ay itutuloy na lamang ito sa unang Lunes ng Disyembre 2023 o isasagawa na lamang ito sa susunod na taon.

Ikinagalak din ni Leyte 4th Dist. Rep. Rihard Gomez ang pagpapaliban ng barangay at SK elections dahil maaaring ilaan ang budget para sa pagsasagawa ng halalan sa iba pang bagay na makakatugon sa tunay napangangailangan ng bansa.

Binanggit ni Gomez ang usapin ng “food security” kung saan maraming mga Pilipino ang kinakapos ng pagkain dahil sa napakataas na presyo ng bilihin dulot ng pandemya.