Fortun

Ikalawang autopsy isasagawa sa bangkay sa ‘middleman’ sa Lapid killing

Hector Lawas Oct 25, 2022
89 Views

ISASAGAWA ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang ikalawang autopsy sa bangkay ng sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Fortun hiniling nito na dalhin sa kanya ang bangkay ni Cristito Villamor sa lalong madaling panahon.

Hiniling ng pamilya ni Lapid ang pagsasagawa ng isang independent autopsy sa bangkay ni Villamor na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) makalipas na lumabas sa media ang sinasabing gunman na si Joel Escorial.

Ayon kay Fortun ang unang pagtingin sa bangkay ni Villamor ay hindi isang technical autopsy.

Lumabas sa unang autopsy na nagkaroon ng bara sa puso si Villamor na siyang sanhi ng pagkamatay nito.

Walang nakitang sugat sa katawan ni Villamor.