Manila

Ilang kalye sa Manila isasara sa Sabado, Linggo

Edd Reyes Jul 24, 2026
50 Views

Manila1ISASARA ng Maynila sa lahat ng sasakyan ang ilang kalsada mula Sabado ng gabi hanggang Linggo bilang paghahanda sa rally ng United People’s Initiative.

Kabilang sa mga isasara mula alas-6 ng gabi ang C.M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes Street hanggang Mendiola Street at Legarda Street mula Figueras Street hanggang San Rafael Street.

Isasara rin ang bahagi ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge pati ang Ayala Bridge at eastbound ng Ayala Boulevard mula San Marcelino Street hanggang Romualdez Street.

Isasara rin ang southbound ng MacArthur Bridge mula Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio at southbound ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza at Fugoso Sts. hanggang Quezon Bridge at Liwasang Bonifacio mula alas-6 ng gabi sa Sabado.

Hindi na rin pahihintulutang madaanan ang southbound ng Lerma Street mula España Boulevard at P. Campa Street hanggang A. Mendoza Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta na nasa opisyal na website ng Manila Public Information Office (MPIO).