Phivolcs

Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.3 lindol

229 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang yumanig sa Ilocos Norte Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-4:19 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 17 kilometro sa silangan ng Carasi at may lalim na 75 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte

Intensity III – Sinait at Vigan City, Ilocos Sur: Claveria, Cagayan

Intensity I – Gonzaga at Peñablanca, Cagayan