Calendar

Ilocos Sur 1st DEO magi-implement ng P1.3B infra projects ngayong ’25
BANTAY, Ilocos Sur– Ang Department of Public Works and Highways- 1st district engineering office, (DPWH-1st DEO), ay mag i-implement ng pinakamalaking infrastructure project nitong taong 2025 na may kabuuang total na P1.344 billion.
Ito ang napag-alaman kay District Engr. (DE) Raynaldo R. Ablog, sa isang interview Biyernes sa kanyang opisina.”This year’s fund is the biggest ever infrastructure project that the district is implementing,” aniya.
Karamihan sa pondo ay sa inisiyatiba ni 1st District Congressman Ronald V. Singson.
Ayon kay Ablog, kabuuang 18 infrastructure projects ang isinasagawa. Maliban dito, may 37 pang ibang projects na subject for bidding at i-implement sa taong ito. Ang mga program of works ( POW) at plano sa iba pang anim na proyekto ay inihahanda na rin.
“In fact, our fund this year is bigger than the fund last year,” paliwanag pa ni Ablog.
Tungkol naman sa separate funds galing sa Department of Agriculture, sinabi ni Ablog na apat pang farm-to-market road projects ang nasa pipeline na at ito aniya ay naka advertise at ready for bidding.
“There is also another four school building projects from the Department of Education and this is ready for bidding,” dagdag pa ng Ilocano engineer.