Phivolcs

Ilocos Sur inuga ng magnitude 4.5 lindol

157 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 4.5 ang umuga sa Ilocos Sur ngayong Biyernes, Agosto 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-2:43 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay apat na kilometro sa silangan ng bayan ng Quirino at may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Intensity III sa bayan ng Quirino, at Candon City, Ilocos Sur at Intensity II sa Tayum, Abra.

May naitala ring Intensity II sa Basista, Pangasinan ang mga instrumento ng PHIVOLCS.