Barbers

Imbestigasyon ng Quad Committee hindi puro Marites — Barbers

Mar Rodriguez Sep 13, 2024
19 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฎ๐—ป๐—ด c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ. ๐—ฅ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ. ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฟ๐—ผ “๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€” ๐—ผ ๐˜๐˜€๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ถ๐˜€ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ.

Ito ang ipinahayag ni Barbers sa kaniyang “opening statment” sa pagpapatuloy ng masusing pagsisiyasat ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kaugnay sa mga mahahalagang issue na naka-kulapol sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay sa testimonya ng mga resource persons.

Sinabi ni Barbers na sa mga nakalipas na pagdinig ng House Quad Committee sinikap aniya nilang ipakita at palabasin ang buong katotohanan hinggil sa mga kontrobersiyang iniimbestigahan nila kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), ang madugong war-on-drugs campaign at ang illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Pagdidiin pa ng kongresista na ang testimonyang isiniwalat at inilahad ng mga humarap na testigo sa Quad Committee ay isang direktang pahayag mula sa kanila batay aniya sa kanilang naging partisipasyon sa isang partkular na kasong sinisiyasat ng naturang Komite.

Paglilinaw din ni Barbers na ang lahat ng impormasyong inilalabas ng Komite alinsunod sa testimonya ng mga testigo ay metikulosong hinihimay at masusing sinusuri nila upang tiyakin na pawang katotohanan lamang ang lalabas sa kanilang imbestigasyon.

“Sa mga nakalipas na pagdinig, ipinakita namin sa inyo na ang mga nagpapahayag ng mga testimonya ay pawang mga taong may direktang kaalaman o partisipasyon sa mga bagay-bagay na isinisiwalat dito. Wala pong tsismis o Marites na lumalabas dito, wala pong hearsay. Lahat po ang inilalabas dito ay metikulosong hinihimay, sinasayasat at siguradong katotohanan lamang,” pahayag ni Barbers.

Sabi pa ng mambabatas na noong simulan nila ang kanilang pagsisiyasat kaugnay sa Mexico, Pampanga drug bust, hindi aniya nila aakalain na masyong malawak at laganap ang operasyon ng illegal drugs sa Pilipinas. Kung saan, inilarawan ni Barbers ang naturang kaso bilang “tip of the iceberg”.

“When we started hearing the Mexico, Pampanga drug bust. We never thought that it would grow this big. What we hit was but the tip of the iceberg. Where this ends is a situation we are all prepared to face, yet dread. We have opened a pandora’s box, so to speak,” dagdag pa ni Barbers.