Bitrics

IMBESTIGASYON SA KAMARA

11 Views

Isang malalim na imbestigasyon ang isinagawa ni Congresswoman Atty. Jinky Bitrics Luistro kung sino na ngayon ang totoong may kontrol sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at distribusyon ng kuryente sa bansa. Maraming mga bagay ang nabunyag hinggil sa totoong kalagayan nito lalo na sa mga teknikalidad ng kontrol sa pagpapadaloy ng kuryente. Ang NGCP pribadong kumpanya na namamahala sa power grid ng bansa at responsable para sa pagpapatakbo, pagpapanatili at pagpapaunlad ng power grid. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol