Calendar

Ina, 3 anak na edad 1,3, 6 tigok sa nasunog na bahay sa Bulacan
ISANG babae at kanyang tatlong anak ang namatay sa sunog sa kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.
Ayon sa pulisya, ang nanay ay 31-anyos habang ang kanyang mga anak ay nasa edad 1, 3, at 6.
Sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa San Vicente Homes Subdivision, Bgy. San Vicente, Santa Maria, Bulacan.
Sinabi ng mga kapitbahay sa pulisya na nang makakita ng usok sa bahay ng mga biktima ay agad silang rumesponde at sinira ang gate para iligtas ang mga bata sa loob ng nasusunog na bahay.
Ayon sa pagsisiyasa, iniulat na dumanas ng matinding depresyon ang ina kaya sinunog ang bahay na humantong sa kanilang pagkamatay.
Batay sa salaysay ng isang kapitbahay, bago namatay ang panganay na anak ng babae, nasabi nitong binuhusan sila ng kanilang ina ng paint thinner bago sila sinunog.
Ang sanggol ay namatay sa lugar habang ang babae at ang dalawang ibang pang mga bata ay namatay sa ospital matapos magtamo ng malubhang sunog sa katawan.
Natagpuan ng mga rumespondeng bumbero sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang bote ng paint thinner at posporo.
Bago ang insidente, nagtungo ang babae sa barangay hall at nagpa-blotter, na binanggit ang problema nilang mag-asawa.
Nasa Batangas ang asawa nang mangyari ang malagim na pangyayari.