Martin

Incoming house speaker Martin G. Romualdez nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Japanese pm Shinzo Abe

Mar Rodriguez Jul 9, 2022
192 Views

NAGPAABOT ng pakikiramay si incoming House Speaker at Leyte 1 st Dist. Rep. Martin G. Romualdez sa pamilya ni dating Japanese Prime Minister
Shinzo Abe na pinaslang habang nagsasagawa ng pangangampanya sa City of Nara, Japan.

Nagpahayag din ng taos pusong pakikisimpatya si Romualdez sa mga naulila ni Abe, matapos nitong sabihin na isang malaking kawalan para sa buong mundo ang pagpanaw ng dating Prime Minister na isang magaling na lider at statesman.

“I join the Country of Japan and the Filipino nation in mourning the death of the beloved leader. The world has lost a kind and decent man, a great leader and a statesman,” sabi ni Romualdez.

Umaasa din si Romualdez na maigagawad ang hustisya laban sa mga taong nasa likod ng pagpaslang kay Abe.

“This senseless act of violence must be condemnes. Shinzo Abe is a dear friend of the Filipino people, and we are saddened by this dastardly act on such a peacefull man,” dagdag pan ni Romualdez.