Martin

Incoming Speaker Martin G. Romualdez naghain ng panukala para sa pagtatatag ng department of disasterr resilence (DRR)

Mar Rodriguez Jul 8, 2022
215 Views

INIHAIN ni incoming House Speaker at Leyte 1 st . Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang isang panukalang batas na naglalayong itatag ang “Department of Disaster Resilience (DRR) upang epektibong makatugon ang pamahalaan sa panahon ng kalamidad at iba pang sakuna sa pamamagitan ng “disaster risk reduction”.

Sinabi ni Romualdez na panahon na upang magkaroon ng isang kagawaran ang pamahalaan na tututok sa mga tinatawag na “natural hazards” kagaya
ng kalamidad at sakuna.

“It is high time that we create a truly empowered department that will focus on natural hazards and disasters, characterized by unity of command and
ICT-based approach and the capacity to take charge of three key results areas.

Disaster risk reduction, preparedness, response, recovery, rehabilitation and building forward better,” sabi ni Romualdez.

Bukod kay Romualdez, kabilang din sa mga co-author ng House Bill No. 13 `o ang panukalang pagtatag ng Department of Disaster Resilience (DRR) ay sina Tingog Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na pumapangalawa na ngayon ang Pilipinas sa mga bansang malimit salantahin o “vulnerable” sa “climate
change” at mga sakuna.

Sinabi din ni Romualdez na ang mga bagyong Yolanda at Haiyan ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ayon sa record, kung saan, sinalanta ang lalawigan ng Eastern Visayas noong nakalipas na November 2013 na kumitil ng maraming buhay.

“This new normal requires a more focused and in-depth attention in the way we understand, prepare and respond to natural disaster,” paliwanag pa ni Romualdez.