Romero

Inisyatiba ni PBBM vs kahirapan suportado ni Romero

Mar Rodriguez Jan 11, 2025
10 Views

BILANG chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, suportado rin ni 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang inilatag na inisyatiba ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang laban ang kahirapan sa bansa.

Sang-ayon din si Romero na ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa ang isa sa mga mahalagang instrumento upang unti-unting masolusyunan at matugunan ang kahirapan sa Pilipinas.

Sabi ng kongresista na ang pagkakaroon ng isang maunlad at malusog na ekonomiya ay mangangahulugan ng pagkakaroon ng maraming trabaho na tiyak na makakatulong para sa napakaraming Pilipino na kasalukuyang “jobless” o kaya walang maayos na trabaho.

Ipinaliwanag din ni Romero na ang resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) kung saan ipinakita dito na 63% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabi na sila ay mahirap ay isang indikasyon na kailangan na talagang maglatag ang pamahalaan ng mga inisyatiba at kongkretong programa  para matugunan o ma-address ang problema ng kahirapan sa bansa kabilang na ang kakapusan sa suplay ng pagkain.

Pinapurihan din ni Romero ang ginagawang pagsisikap ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez upang solusyunan ang kahirapan sa pamamagitan ng Murang Pagkain Supercommittee na tinatawah din bilang Quinta Committee na naglalayong mahanapan ng solusyon ang mga problema kaugnay ng mataas na presyo ng pagkain.

Nauna nang sinabi ni House Assistant Majority Leader at TINGOG Party List Rep. Jude Acidre na ang resulta ng SWS survey ay isang pagpapatunay na kinakailangan ng isang inisyatiba para masolusyunan ang problema ng kahirapan sa bansa.

“These figures higlight the urgency of our work in the House under the capable leadership of Speaker Romualdez. While also underscoring the potential impact of the measures we are putting in place,” sabi ni Acidre.