Martin

Inspeksyon sa mga rice warehouse, tuloy-tuloy na isasagawa—Speaker Romualdez

214 Views

SINIGURO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa ng suprisang inspeksyon sa mga warehouse ng bigas upang mahanap ang iniipit na suplay ng bigas na nagpapataas sa presyo nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na makakatuwang ng Kamara ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido “Bien” Y. Rubio sa pag-iikot at pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse.

“I thank Commissioner Rubio for his initiative of peering into these suspicious warehouses at a time when Filipinos are grappling with rising prices of rice. This will make hoarders think twice about their schemes,” ani Speaker Romualdez

“We need to carry out more of these inspections and I trust the commissioner to do so in order to keep rice traders obedient to the law,” saad pa ng lider ng 311 na mambabatas ng Kamara de Representantes.

Agosto 24 nang magkatuwang na suyurin ng ilang kongresista at opisyal ng BOC ang mga malalaking warehouse sa Bulacan kung saan Nakaimbak ang mahigit 200,000 sako ng bigas

Sa pamamagitan ng letter of authority (LOA) ay isinara ng mga tauhan ng BOC ang warehouse ng Great Harvest Rice Mill, San Pedro at FS Rice Mill at pinagsumite ng mga kaukulang dokumento upang patunayan na hindi smuggled ang mga ito at nabayaran ang kaukulang buwis.

Binigyang diin ni Romualdez sa isinagawang inspeksyon na dapat agad ilabas sa merkado ang natuklasang suplay ng bigas upang hindi magkaroon ng sapat an suplay sa merkado at hindi tumaas ang presyo nito.

Sa nakalipas na linggo ay nagkaroon ng pagtaas sa bentahan ng bigas sa Metro Manila na naglalaro ng P50 hanggang P62 kada kilo.

Kung hindi agad tutugunan ay posibleng pumalo pa ang presyo sa P60 hanggang P65 bawat kilo sa mga palengke.

Kinatigan naman ni Romualdez ang pahayag ni House Committee on Agriculture and Food chairperson at Quezon 1st district Rep. Wilfrido Mark Enverga na ang rice hoarding ay pinakamabigat na uri ng economic sabotage.

“Lahat ng Pilipino kumakain ng kanin. Kung may matapon o masayang na kahit kaunting bigas sa pagsasaing, nanghihinayang tayo. Kaya napaksakit at nakakapanggalit talaga itong ginagawa ng mga rice hoarders,” saad ng kongresista ng Leyte 1st district.

Pagtitiyak ng House leader na hindi hahayaan ng Kamara de Representantes na matulad ang bigas sa nangyari sa sibuyas noong nakaraang taon kung saan sumipa ng hanggang P700 kada kilo ang presyo.

“Shame on us, the officials in government, if we let that happen again, especially to our staple food. Thanks to the hearings in aid of legislation led by Cong Enverga, we already know exactly how a cartel works. Pipigilan natin sila, hindi natin sila hahayaang makapuntos muli,” sabi pa ni Speaker Romualdez.