BOI

Investment commitment lumobo sa 155%– BOI

274 Views

LUMOBO umano ng 155 porsyento ang investment commitment sa bansa sa unang quarter ng taon ayon sa Board of Investments (BOI).

Ayon sa BOI, nakapagtala ng P463.3 bilyong project commitment mula Enero hanggang Marso 2023, mas mataas kumpara sa P181.7 bilyon na naitala sa kaparehong mga buwan noong 2022.

Sa kabuuang investment commitment, P165.4 bilyon ang mula sa mga dayuhang negosyante. Ito ay 3,722 porsyento na mas malaki kumpara sa P4.33 bilyon noong unang quarter ng 2022.

Ang domestic investment commitment naman ay P297.9 bilyon, lumaki ng 68% kumpara sa 177.3 bilyon sa unang quarter ng nakaraang taon.

Hinihikayat ng gobyerno ang mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo o palawigin ang kanilang negosyo sa bansa upang dumami ang mapapasukang trabaho at mapalakas ang ekonomiya.