PAGASA

Ipapangalan sa mga bagyo inilabas ng PAGASA

Mar Rodriguez Jan 3, 2024
141 Views

INILABAS na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang listahan ng mga ipapangalan sa mga bagyo na mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong 2024.

Ang mga pangalan ng bagyo ay ginamit na noong 2020 maliban sa apat na bago, ayon sa PAGASA.

Pinalitan ng PAGASA ang Ambo, Quinta, Rolly, at Ulysses dahil sa malaking pinsala na idinulot nito sa bansa noong 2020.

Ang mga ipapangalan sa mga bagyo ngayong taon ay Aghon, Butchoy, Carina, Dindo, Enteng, Ferdie, Gener, Helen, Igme, Julian, Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, Pepito, Querubin, Romina, Siony, Tonyo, Upang, Vicky, Warren, Yoyong, at Zosimo.

Kung lalagpas sa 25 ang bagyo, nakareserba ang pangalang Alakdan, Baldo, Clara, Dencio, Estong, Felipe, Gomer, Heling, Israel, at Julio.

Inuulit ng PAGASA ang mga pangalan ng bagyo tuwing apat na taon at pinapalitan ang mga bagyo na malaki ang pinaslang idinulot sa bansa.