Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Tulfo2

Isang buwan bago ang halalan, Erwin Tulfo namamayagpag pa rin sa Senate survey

33 Views

ISANG buwan bago ang Halalan 2025, patuloy na namamayagpag ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo sa survey ng mga kandidato sa pagka-Senador.

Sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 18 hanggang 24, napanatili ni Tulfo ang pangunguna na may 100% awareness at 61% voting preference na nagtalaga sa kanya sa rank 1-2.

Nasa pangalawang pwesto ang independent at kapatid ni Erwin Tulfo na si Ben Tulfo na nasa ikalawang pwesto.

Sinundan na sila ni Tito Sotto, Bong Revilla, Lito Lapid, Ping, Lacson, Pia, Cayetano, Bato Dela Rosa, Abby Binay, Camille Villar at Manny Pacquiao para sa Magic 12.

Nagkamit si Tulfo ng double-digit lead na 13% mula sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo.

Ang nasabing OCTA survey ay nilahukan ng 1,200 na Pilipino mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.