Calendar
ISO certification nakuha ng FSIS ng CAAP
IPINAGMAMALAKI ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang Flight Standards Inspectorate Service (FSIS) nito nakamit ang ISO 9001:2015 certification matapos ang apat na beses na pagtangkang makuha ito.
Ang ISO 9001:2015 certification pandaigdigang pamantayan para sa mga sistema ng de kalidad na pamamahala.
Ang pagkilalang ito sumasalamin sa dedikasyon ng FSIS sa kahusayan sa operasyon, pagpapabuti ng kaligtasan ng pasahero at pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa industriya ng aviation ng Pilipinas.
Pinagtibay rin nito ang kredibilidad ng CAAP bilang isang nangungunang regulatory body sa pandaigdigang komunidad ng aviation.
Pinuri ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang mga tauhan ng FSIS sa pangunguna ni Captain Florendo Jose Aquino, ang acting Assistant Director General II, para sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon.
“This certification is a testament to CAAP’s commitment to the Filipino public and the aviation industry. It highlights our dedication to delivering the highest standards of service and safety, enhancing trust and confidence in our operations both locally and internationally,” Tamayo said.
Ang FSIS isang mahalagang yunit sa loob ng CAAP na responsable sa sertipikasyon ng mga operator ng komersyal at pangkalahatang aviation, mga aprubadong training organizations at mga maintenance organizations.
Bukod dito, pinangangasiwaan din ng FSIS ang pag-isyu ng mga lisensya ng mga airmen, pag-uugnay ng mga regulasyon sa iba’t ibang departamento, pagtiyak sa pagsunod sa mga pambansa at pandaigdigang pamantayan, at pagsuporta sa pangkalahatang misyon ng ahensya na itaas ang antas ng abyasyon sa Pilipinas.