Jerome

Jerome, Krissha may something

Vinia Vivar Apr 22, 2024
24 Views

Mukhang may ‘something special’ nang namamagitan kina Jerome Ponce at Krissha Viaje.

Dumalo ang magka-loveteam sa mediacon ng upcoming TV series nilang Sem Break at kapansin-pansin na mas sweet sila ngayon kesa sa mga nauna nilang presscon.

Diretso ngang natanong ang dalawa kung ano ang difference ng kanilang relasyon ngayon na may ‘something’ na at in fairness, hindi nila ito itinanggi pero hindi rin inamin.

Sey ni Jerome, “Bawal talaga. Alam mo, minsan, gusto natin ng peace of mind. Huwag na mag-aaway. Huwag mong pag-awayin. Okay na kami, eh.”

Hindi na-gets ng press ang sinasabi ni Jerome kaya tinanong siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero hindi rin ito masyadong maipaliwanag ng aktor.

“Ay, ikaw ba naman…” at tumigil sa gustong sabihin. “Basta!” nasambit na lang niya.

Then, sey niya, “May mga bagay lang kasi na alam mo ‘yun, nadadala nga sa set, sa taping, eh, ayoko ng ganu’n. So, madaldal talaga akong tao. Medyo kumakalma ako kasi ayokong…”

Lalo kaming naguluhan sa sinabi ni Jerome.

Patuloy pa niya, “Katulad nga ng sabi ko, may mga bagay na dapat, sinasa-atin muna kasi kapag nadamay na ‘yung iba, baka mamaya, magkagulo. Gusto ko man kasi masayang ikwento ‘yun, pero as of now, ‘wag muna.”

Nang si Krissha ang tanungin, sagot niya, “Kasi mas kilala na namin ang isa’t isa so parang mas smooth po ‘yung lahat ng ano namin, ‘yung mga eksena namin, ‘yun.”

Asked kung mas mahirap ba na makatrabaho ang isa’t isa ngayong may something special na sa kanila, ani Krissha, hindi naman.

“Mas marami na kaming na-discover sa isa’t isa and…”

Si Jerome na ang nagdugtong, “Mas naglu-look forward kami what’s next.”

Samantala, matapos pumatok ang tambalang Jerome-Krissha sa drama series na Safe, Skies, Archer, muling mapapanood ang dalawa sa bagong horror serye na Sem Break.

This time, hindi lang sila magpapakilig kundi mananakot din.

Mula sa direksyon ni Roni Benaid, kasama rin sa serye sina Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.

Magsisimula itong mapanood sa May 10 sa Viva One streaming app with fresh episodes kada-Friday.