Liza1

Kaarawan ni FL Liza Marcos tahimik na ipinagdiwang

Chona Yu Aug 22, 2024
24 Views

NAGPAKALAYO at tahimik na nagdiwang ng ika-64 na kaarawan si First Lady Liza Marcos.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., palagi namang nagtatago si First Lady Marcos.

“Ang birthday, si First Lady pag birthday nya nagtatago lagi. Gusto nya tahimik na tahimik lang, ang party niya was last Thursday ba. Nag-birthday party na sya para makaalis na sya, makabakasyon na sya. So that was. Galing lang ako dun, we came from Baguio. We stayed in Baguio for her birthday. Very quiet. Yun lang,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tumanggi naman si Pangulong Marcos na tukuyin kung ano ang kanyang naging regalo sa First Lady.

“Tanong mo na lang sa kanya kung gusto niyang ipakita sa inyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.