Garcia

Kahandaan ng Comelec sa pagsagawa ng BSKE sa Oktubre 95% na

143 Views

NASA 95 porsyento na umano ang kahandaan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, malapit ng magsimula ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin ng mga nagparehistro mula Disyembre 12 hanggang Enero 12.

Inilipat ng Kongreso ang araw ng halalan kaya muling binuksan ng Comelec ang pagpaparehistro ng mga nais na bumoto sa halalan na gagawin sa Oktobre 30.

Nasa 1.5 milyon umano ang nadagdag na botante.

Paliwanag ni Garcia nabitin ang pag-imprenta sa mga balota dahil sa nadiskubreng 491,000 double o multiple registrants.

Patuloy umano ang ginagawang paglilinis ng Comelec sa mga dalawa o higit pang beses na nagparehistro.

Mayroong 92 milyong botante sa bansa na makakaboto sa BSKE kasama ang 25 milyong kabataan na boboto lamang para sa Sangguniang Kabataan elections.