Garcia

Kahit talo mga kandidato dapat magsumite ng SOCE—Comelec

202 Views

IPINAALALA ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng kumandidato, panalo man o talo na magsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCEs).

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia kahit na ang mga nag-withdraw o hindi na tumuloy sa pagtakbo ay kailangang magsumite ng kanilang SOCE.

Sa SOCE makikita kung sino ang nagbigay ng pera na kanilang ginastos sa halalan at kung saan ito ginamit.

Ang kandidato sa pagkapangulo at bise presidente ay pinapayagan na gumastos ng P10 sa bawat rehistradong botante at P3 naman sa bawat botante sa tumatakbo sa ibang posisyon, ayon sa Republic Act 7166.

Ang mga political party naman ay maaaring gumastos ng P5 sa bawat botante.

Mayroong 67 milyong rehistradong botante sa katatapos na halalan.