Martin Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Kaligtasan ng OFWs sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran pinatitiyak ni Speaker Romualdez

28 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng kahinahunan at muling pagbuhay ng diplomasya sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, kasabay ng kanyang babala sa paglala ng sigalot na banta umano sa katatagan ng rehiyon gayundin sa kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino sa Gitnang Silangan.

“We are watching these developments with grave concern. Under President Ferdinand R. Marcos Jr., our foremost priority is the protection of our overseas Filipino workers who may be caught in the crossfire of this dangerous standoff,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 306-kinatawan ng Kamara de Representantes.

Sa kasalukuyan, patuloy na tumitindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, dahil sa serye ng pag-atake ng magkabilang panig.

Hinikayat ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na paigtingin ang koordinasyon sa mga pamahalaan ng host countries at international partners, lalo na sa Lebanon, Israel, Jordan at mga bansa sa Gulf Region na may malaking bilang ng mga Pilipino.

“We expect our frontline agencies to remain vigilant and proactive in ensuring the safety and security of our kababayans, including possible repatriation plans should the situation worsen,” ayon kay Speaker Romualdez.

Iginiit ni Speaker Romualdez na ang Pilipinas, bilang isang mapayapang bansa, ay patuloy na naninindigan sa paggamit ng diplomasya upang maresolba ang mga kaguluhan at iwasan ang karahasan.

“We call on all parties involved to take a step back and allow diplomacy to do its work,” ayon pa sa pinuno ng Kamara. “This is a time for dialogue, not destruction. Any further escalation will only deepen human suffering and destabilize an already fragile region.”

“No Filipino should be left behind in a time of crisis. The House stands in full solidarity with our OFWs and will work closely with our executive agencies to ensure their welfare,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Nakikiisa rin siya sa pandaigdigang panawagan para sa pagtitimpi at umapela sa regional at international leaders na tumulong para mapahupa ang tensyon bago ito lumala.

“This conflict is unfolding in a region that has known too much war and too little peace. The world must not allow another full-blown crisis to erupt,” ayon pa sa mambabatas.

Habang bukas pa ang negosasyon, hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino sa ibang bansa na manatiling kalmado, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at makipag-ugnayan sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.

“The best way to face uncertainty is through unity and vigilance. We will not waver in our commitment to every Filipino’s safety, wherever they may be in the world,” dagdag pa ng lider ng Kamara.