Kamara inaprubahan panukala na tax exempt incentives para sa Pinoy na atleta

59 Views

SA botong 203-0, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng tax exemption sa mga atletang Pilipino at kanilang coach na tatanggap ng donasyon, insentibo, bonus, at mga katulad nito bilang bahagi ng kanilang paglaban sa international competition.

Kasama rin sa bibigyan ng tax exemption, ayon sa House Bill (HB) No. 10723 ang mga donasyon sa mga atleta na kanilang gagamitin sa paghahanda sa sasalihang kompetisyon isang taon bago ang laban.

Kapag nalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang panukala upang maging ganap na batas ay aamyendahan nito ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act (Republic Act 10699).

Saklaw ng batas ang exemption mula sa national at local tax.

Maaaring gamitin ng donor ang tax exemption sa loob ng isang taon bago ang kompetisyon at tatlong buwan matapos ang kompetisyon.

Ang lahat naman ng donasyon na idadaan sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Paralympic Committee ay exempted sa buwis.

Pinuri naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpasa ng panukala, na bahagi umano ng mga inisyatiba ng Kamara de Representantes upang madagdagan ang benepisyong tinatanggap ng mga atleta na nagdadala ng karangalan sa bansa.

Nauna rito, sinabi ni Speaker Romualdez na pinag-aaralan ng Kamara ang pagbibigay ng buwanang pensyon sa mga atletang Pilipino na nanalo ng medalya sa Olympics simula sa edad na 40.

“The honor our Olympians Carlos Yulo and Hidilyn Diaz gave our country is immeasurable and priceless, but we can acknowledge their hard work and triumph by way of benefits from the government,” sabi nito.

Umaasa si Rep. Gus Tambunting (Paranaque, 2nd District), Chairman ng House Committee on Legislative Franchises at isa sa may-akda ng HB 10723, na makatutulong ang tax exemption upang mahikayat ang mga atletang Pilipino na ipagpatuloy ang pagpapahusay sa kanilang kasanayan.

“It is clear that Filipino athletes are world-class, and our performance in international competitions affirms this. That is why now more than ever, it is imperative that Congress does its part in pro-actively supporting our athletes that will help them attain their full potential,” sabi nito.

“We hope to further encourage various sectors to support our athletes by exempting donations, endowments, or contributions directly and exclusively for state youth and sports development programs and competitions from taxes,” dagdag pa ng mambabatas.

Naniniwala naman si Rep. Midy Cua (Quirino, Lone District), sponsor ng panukala, na magkakaroon ng malaking impact ang panukala sa pagpapalakas ng sports sa bansa.

“We believe that the best way forward is to incentivize preparation. Champions are not made overnight. Thus, in addition to our previous proposal, we have included the exemption from tax of donations for the entire training of our athletes, provided that such donations are made through the POC, PSC, and PPC,” ani Cua.

Kasama sa mga may-akda ng panukala sina Reps. Joey Salceda, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Harris Christopher Ongchuan, Alfred Delos Santos, Luis Raymound Villafuerte, Crispin Diego Remulla, Midy Cua, Milagros Aquino-Magsaysay, Emigdio Tanjuatco III, Nelson Dayanghirang, Maria Rachel Arenas, Alfelito Bascug, Sergio Dagooc, Anna Victoria Veloso-Tuazon, Jocelyn Limkaichong, Ray Reyes, Rufus Rodriguez, Joseph Gilber Violago, Ruth Mariano-Hernandez, Shernee Tan-Tambut, Mario Vittorio Mariño, Kristine Singson-Meehan, Jurdin Jesus Romualdo, Gerardo Espina, Jr., JosephLara, Ambrosio Cruz, Jr., Marlyn Alonte, Ramon Nolasco,Jr., Fernando Cabredo, Salvador Pleyto, Josefina Tallado, Jonathan Keith Flores, Francisco Jose Matugas II, at Lani Mercado-Revilla.