Ongpin

Kamara nakiramay sa pagpanaw ni dating Trade Minister Roberto Ongpin

187 Views

NAKIRAMAY ang Kamara de Representantes sa pamilya ng pumanaw na si dating Trade Minister Roberto Ongpin.

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 766 na akda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority Leader Marcelino C. Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Si Ongpin ay pumanaw noong Pebrero 4 sa edad na 86. Sa edad na 42, siya ang pinakabatang minister ng trade and industry sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kinilala sa resolusyon ang mga kontribusyon ni Ongpin sa bansa lalo na noong 1983 financial crisis kung kailan nito itinayo ang tinaguriang Binondo Central Bank.

Sa pribadong sektor ay malaki rin ang naiambag ni Ongping na naging board chairman/director ng iba’t ibang korporasyon gaya ng Atok Big Wedge, Balesin Island Club, San Miguel Corp., Petron Corp., PAL Holdings, at gaming-internet company PhilWeb.

“The indefatigable business leadership and management he demonstrated in the private sector highlighted his keen business acumen, perseverance in work, integrity, and professionalism,” sabi sa resolusyon.

“As a philanthropist, the Honorable Ongpin relentlessly pursued his advocacy in education by giving full scholarships to qualified and deserving Ateneo University students throughout the country,” dagdag pa rito.

Naulila ni Ongpin ang kanyang misis na si Monica Arellano, mga anak na sina Stephen, Anna, Michelle, at Julian, at apat na apo.