Acidre

Kamara nangako ng dagdag suporta sa mga programa kontra gutom ng gobyerno

Mar Rodriguez May 3, 2024
114 Views

MATAPOS lumabas ang magka-ibang resulta ng survey kaugnay ng bilang ng mga Pilipinong walang makain, iginiit ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang pangangailangan na suportahan ang mga anti-poor program ng administrasyong Marcos.

Ito ang sinabi nina House Deputy Majority Leader Jude Acidre (Tingog Partylist) at House Assistant Majority Leader Mikaela Angela “Mika” Suansing (Nueva Ecija, 1st District) sa isang press briefing sa Kamara de Representantes kaugnay ng magkasalungat na resulta ng OCTA Research at SWS.

Ayon sa survey ng OCTA, bumaba sa 11% ang mga walang makain noong Marso, bumaba kumpara sa 14% na naitala noong Disyembre. Sa survey naman ng SWS, tumaas sa 14.2% ang mga walang makain noong Marso mula sa 12.6% noong Disyembre.

“Alam mo kung ako tinanong kung gutom ako, siguro iba din ang sagot ko, depende kung sino ang nagtanong at kailan ako tinanong. I think it’s like looking at the glass half-full or half empty,” sabi ni Acidre.

“I think one perspective, ‘yung sa OCTA, is that we’re on the right track, where all policies are all set toward ensuring that food is available for everyone, for all Filipinos. But the other survey is also telling us we are not there yet … merong (room) for improvement pa. That’s the way I look at it,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Acidre na dapat tignan ang mga resulta ng survey bilang isang hamon sa Kongreso upang suportahan ang mga anti-poor program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na marami ay isinulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at ang lalo pang pagpapaganda ng mga serbisyo ng gobyerno.

“At siguro kami sa Kongreso, we’ll take (our cue) from that, with all the programs – yung conditional cash transfers natin sa 4Ps, mga unconditional cash transfers natin sa CARD, sa FARM at iba pang programa – na isinusulong ng ating Speaker at ng ating Presidente, eh lahat ho ‘yun ay magkakatugma,” ani Acidre.

“Ang kailangan lang ho nating gawin ay sigasig ng Kongreso, sigasig ng ating administrasyon na tuloy-tuloy po. Hindi po magpa-distract sa mga ingay sa politika at tuloy-tuloy lang po na magtrabaho. Sigurado po kaming makakamit po natin ‘yung mga targets na ating pong nilaan para po sa kalagayan ng pagkain sa ating bansa.”

Sumang-ayon naman si Suansing sa sinabi ni Acidre na nakatutulong sa maraming mahihirap na pamilya ang mga programa gaya ng 4Ps, CARD at FARM at binanggit din nito ang iba pang programa gaya ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ISIP for the Youth, at SIBOL Program na para sa maliliit na negosyante.

“Kung susumahin po natin, bilyong-bilyong piso na po na ayuda ang ating naibibigay sa mga benepisyaryo ng BPSF. Bilyong-bilyong halaga ng AICS at TUPAD. Meron pa pong ilang mga programa na nakapaloob dito. Iyong isa po ay yung tinatawag na CARD, milyun-milyong kilo ng bigas na iyong naipamahagi,” sabi ni Suansing.

“Daang libo na din po yung mga benepisyaryo nitong ISIP, CARD, SIBOL at FARM. At bukod pa po roon ay magsisimula narin ‘yung tinatawag natin na AKAP Program, kasi ‘yung mga near-poor families ay mabibigyan po ng P5,000 na one-time grant,” dagdag pa nito.

Binanggit din ni Suansing ang plano ni Speaker Romualdez na amyendahan ang Rice Tariffication Law upang muling makapagbenta ang National Food Authority (NFA) ng murang bigas.

“We would like to highlight doon po sa RTL. Halimbawa, itong amendments natin sa RTL is algo geared toward providing access to cheaper rice, more affordable rice, especially to the poorest families in our country. So that’s one policy that we are trying to make,” wika pa ni Suansing.

“So malaking tulong po iyon kapag atin na pong naipasa itong batas na ito,” dagdag pa nito.