Martin1 Itinurn over ni. Budget Secretary Amenah Pangandaman kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang proposed P6.352- trillion national budget para sa susunod na taon sa isang simpleng seremonyas na ginanap sa Romualdez hall ssa House of Representatives Lunes ng umaga. Nasa litrato rin sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Committee on Appropriation Chairman at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, Minority Leader Marcelino Libanan at ibang opisyal mula DBM. Kuha ni Ver Noveno

Kamara pormal na tinanggap P6.352T 2025 National Expenditure Program

Mar Rodriguez Jul 29, 2024
89 Views

PORMAL na tinanggap ng liderato ng Kamara de Representantes, sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang 2025 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.352 trilyon ngayong araw, Hulyo 29.

Binigyang diin ni House Appropriations Committee Chairman Rep. Zaldy Co, na kasama ni Speaker Romualdez sa pagtanggap sa NEP, ang kahalagahan ng NEP na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Amenah Pangandaman.

“This proposed budget represents a 10.1 percent increase from the previous year and accounts for 22.0 percent of our Gross Domestic Product. It is a testament to our collective resolve to foster economic growth, social progress, and resilience among our people,” saad ni Co.

Giit pa ng solon, ang NEP para sa susunod na taon ay hindi lamang isang plano ng panggastos kundi isang gabay na upang maabot ang Philippine Development Plan 2023-2028. Nakatuon ito sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga indibidwal at pamilya, pagpapaganda sa sektor ng produksyon para makalikha ng dekalidad na trabaho at paglinang sa isang kapaligiran na may sumusuporta sa mga institusyon at kalikasan.

Sa pagbusisi sa panukalang badyet, sinabi ni Co na isasaalang-alang ng Kongreso ang pagkukunan ng pondo, kahandaan na maipatupad ang mga programa at proyekto, kapasidad ng mga ahensya na gastusin ang pondong inilaan sa kanila, at ang pagsunod sa spending priorities. “We must ensure that every peso is directed towards initiatives that will uplift the lives of our fellow Filipinos, improve our infrastructure, strengthen our educational and healthcare systems, and secure our nation’s future,” saad niya.

Nanawagan din si Co sa kaniyang mga kasamahan na tiyakin ang transparency, accountability at fiscal responsibility sa kabuuan ng pagtalakay sa pambansang pondo. “It’s crucial that we examine each allocation meticulously to ensure the most effective use of our resources,” paglalahad niya.

Ang pagsusumite ng NEP ay hudyat aniya ng mabusising pagtalakay sa pondo na tutugon sa pinakamahalagang pangangailangan ng bansa alinsunod na rin sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang masaganang Pilipinas. “The road ahead is full of challenges, but with this proposed budget, we have a robust framework to guide our efforts,” aniya.

Nagpasalamat rin ang Bicolano solon kay Secretary Pangandaman at sa DBM team sa kanilang dedikasyon sa paghahanda ng NEP at inaasahan niya ang pakikipagtulungan nito sa pagtalakay sa NEP.

Ang turnover ng NEP ay nagpapahiwatig ng simula ng masusing mga talakayan sa badyet na naglalayong tugunan ang mga pinakamahalagang pangangailangan ng bansa at pagkakahanay sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa masaganang Pilipinas, ayon kay Co.