Barbers

Kampanya ng PBBM admin vs illegal na droga mas maayos

Mar Rodriguez Aug 22, 2024
87 Views

๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐˜€๐—ฎ c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ. ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ “๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—๐—ฟ.

Paliwanag ni Barbers na sa nakikita niya ngayon ay mas naging polido at maayos ang kampanya ng administrasyong Marcos, Jr. laban sa ipinagbabawal na gamot ng hindi na kailangan pang gumamit ng karahasan o kaya’y may mapatay na drug user o drug addict.

Pagdidiin pa ni Barbers, maraming indibiduwal sa kasalukuyan ang naaaresto ng mga awtoridad na sangkot sa illegal na droga na hindi naman humahantong sa pamamaslang gaya ng mga nangyayari sa nakaraan kung saan kaliwa’t kanan ang mga pagpatay sa mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa kongresista, kahit araw-araw ay may namamatay na drug addict o drug user. Kung hindi naman aniya uugatin ang naturang problema ay magpapatuloy parin umano ang talamak na bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot na karamihan ay pawang mga kabataan ang biktima.

Winika pa ni Barbers na dahil sa sistemang ito maituturing na ang kasalukuyang estratehiya ng pamahalaan laban sa illegal drugs ay mas makatao, mas epektibo at organisado. Naniniwala siya na hindi naman solusyon ang mga pagpatay para puksain o wakasan ang paglaganap ng illegal na droga sa bansa.

“Under Preaident Marcos, Jr. more individuals involved in the illegal drug trade have been apprehended, without the loss of lives that marked the previous approach. It is more effective and humane strategy,” ayon kay Barbers.

Kaugnay nito, kinatigan din ni Barbers ang hamon ni Manila 6th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr. kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na dumalo sa isinasagawang pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes para bigyan nito ng linaw ang kaniyang papel sa sa war-on-drugs ng nagdaang administrasyong Duterte kung saan libo-libong katao ang walang habas na pinaslang.