Calendar

Kampo ni Sara natataranta sa pagpasok ni Diokno, De Lima?
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero ng Saudi Arabia.
God Bless sa inyong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)
****
Biglang umugong ang balitang may mga gusto daw magkaroon ng pagbabago sa liderato ng House of Representatives.
Bakit hindi lumantad ang mga nagpapakalat ng balitang ito para malaman kung ano talaga ang gusto nilang mangyari?
Baka naman nagsasayang lang kayo ng oras dahil “iron clad” ang commitment ng mga pro-administration congressmen kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ipinakita na ni Speaker Romualdez ang kanyang katapatan sa administrasyon.
Hindi natin alam kung ano talaga ang pakay ng mga taong gustong magkaroon ng pagbabago sa liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Baka ang gusto ng grupong ito ay “divide and rule” kagaya ng ginawa ng isang lider noong ancient times?
Umugong ang balitang ito nang inalok ni Speaker Romualdez sina dating Senador Leila de Lima at Chel Dikno na maging parte ng House prosecution team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang alok ni Speaker Romualdez ay tinanggap agad nina Diokno at de Lima.
Si de Lima, na maraming taong nakulong dahil sa mga gawa-gawang kaso na inihain ng dating administrasyon, ay uupong kongresista sa 20thCongress.
Siya ang first nominee ng Mamamayang Liberal (ML) party-list.
Sa tingin natin ay natatarantana ang kampo ni Inday Sara dahil kasama na sa prosecution sina de Lima at human rights lawyer Chel Diokno.
Parehong batikan at magagaling na trial lawyers sina de Lima at Diokno ng Akbayan party-list.
Sa tingin natin ay ginugulo lang ang mga kongresistang kapanalig ni Speaker Romualdez.
Hindi nila mabubuwag ang hanay ng mga kongresistang sumusuporta kina Pangulong Marcos at Speaker Romualdez.
Inuulit natin, hangga’t nandiyan si Romualdez ay ‘di niya papayagang masabotahe ang mga programa at proyekto ng administrasyong Marcos.
Tiyak ‘yon.
****
Sa tingin natin ay naging instrumento ng mga local politicians ang mga opisyal at kawani ng mga barangay noong nakaraang eleksyon.
Malamang na nagpagamit ang ilang village officials kaya si Erwin Tulfo lang ang nasa Top 6.
Si Tulfo ay isa sa kandidatong Alyansa ng administrasyon.
Ang iba pang kandidato ng Alyansa ay nasa baba ng winning candidates.
Kaya dapat manalo ang mga kandidatong barangay chairman at kagawad na sumusuporta sa administrasyon sa darating na BSK elections.
Kaya lang, hindi puwedeng makialam ang mga politiko sa darating na BSKE dahil non-partisan ito.
Sana makita ng mga botante ang kahalagahan ng resulta ng nasabing halalan.
Kaya iboto nila ang mga alam nilang sumusuporta sa administrasyon.